Budoy

Hi guys,

This is my version of Parokya ni Edgar’s song, Buloy.

Noy Noy, budoy
naalala mo pa ba
noong ika’y nangangampanya?
Noy Noy, budoy
naalala mo pa ba ang iyong mga sinabi
noong ika’y nasa baba pa?

Sabi mo, lahat ng mga corrupt ay matatanggal,
at iyong susugpuin ang ating kahirapan.

Noy Noy, budoy
naalala mo pa ba
nang ika’y nanalo sa kampanya, dahil kami’y tanga?(tanga!)
Noy Noy, budoy
naalala mo pa ba
ginamit mo pa ang pangalan ng iyong ama’t ina.

Mangiyak-ngiyak na kami pero sabi mo ay “Okay lang yan!”
Sabi mo kayo’y kumikilos, pero nasan ang tulong?

Kaya naman ako bilib sa iyo
Kasi parang napakatibay mo.
Mga kasinungalingan mo’y kaya mong maging tama,
basta mayroong pork barrel, na paghahatian!

(Instrumental)

Noy Noy, Budoy
Naaalala mo pa ba
Nung araw na nahalal ka bilang pangulo ng Pinas?
Noy Noy, Budoy
Naalala mo pa ba
Mga kasinungalinang sinabi mo sa iyong SONA?

Tapos pagkatapos no’n, kay tagal mong nawala.
Nagulat na lang kami nung narinig ka sa balita.
Akala pa naming kakampi ka nang mga inaapi,
Nalaman nalang namin, nabenta na ang hacienda..

Hoy Budoy
Nasaan ka man, siguradong kawawa ka, lantad na iyong kulay
Hoy Budoy
Nasaan ka man, siguradong hindi ka namin tatantanan.

Hoy Budoy Noynoy Budoy
Hoy Budoy Noynoy Budoy

Hoy hoy, Budoy
Para bang nalimot mo na ang iyong mga sinabi noong ika’y nasa baba pa..

 

 

My Version of Parokya ni Edgar’s Alumni Homecoming

Hi guys,

I created a new song for both the government and us people of this nation.
This is my version of Parokya ni Edgar’s song, Alumni Homecoming.

Enjoy reading or singing this song.

Napatunganga nung bigla kang kumampanya
pagkalipas ng mahabang panahon.
High school pa ako noon,
ikaw ‘y nasa senado
at tandang tanda ko pa
noon pa ma’y wala ka nang kwenta.

Hindi ko lang alam kung pa’no,
basta biglang nanalo sa senado.
Di nagtagal ay napunta sa palasyo.

Mula senado, hanggang naging pangulo,
lagi kang kasama sa mga hatian.
Parang kahapon lang, wala pa din linaw ang lahat
tila isang dula andar ng kaso sa senado.

Ngunit nung napag-usapan
bigla nalang nagkaturuan,
hanggang ngayon’y wala pa din ang resulta.

(Chorus)
At bakit ko ba pinabayaan,
mawala ng hindi inaasahan?
Sobrang nasayang lang
nawala na, wala nang natira.

Panay ang plano, ngunit wala namang aksyon,
at inabot na nang dulo ng taon.
Donation namin boy,
wag mo naman ibulsa yan.
Nakalaan para sa tulong ang mga ‘yan.

Eksakto na ang budget,
ibibigay nalang sa bayan.
Ngunit hanggang ngayon,
wala pa din nagamit.

At akin pa bang pababayan,
na maulit ang kasaysayan?
Hanggang nasayang na,
nawala na, wala nang nagawa.

(Instrumental)

Napatunganga nung bigla kang nagpakita,
pagkalipas ng masamang panahon.
Sobrang alam ko na ang iyong sasabihin,
at ako’y napailing sa pangloloko mo sa amin.

At nang ikaw ay nilapitan,
ng bayan na ngayo’y naghihirap,
Hanggang ngayon ay puro ka pa din paasa.

At bakit ko ba pinabayaan,
mawala ng hindi inaasahan?
Sobrang nasayang lang
nawala na, wala nang natira.

Akin pa bang pababayan,
na maulit ang kasaysayan?
Hanggang nasayang na,
nawala na, wala nang nagawa.

Wala kang nagawa….
Wala ‘kong nagawa….
Wala bang magagawa?…