My Version of Parokya ni Edgar’s Alumni Homecoming

Hi guys,

I created a new song for both the government and us people of this nation.
This is my version of Parokya ni Edgar’s song, Alumni Homecoming.

Enjoy reading or singing this song.

Napatunganga nung bigla kang kumampanya
pagkalipas ng mahabang panahon.
High school pa ako noon,
ikaw ‘y nasa senado
at tandang tanda ko pa
noon pa ma’y wala ka nang kwenta.

Hindi ko lang alam kung pa’no,
basta biglang nanalo sa senado.
Di nagtagal ay napunta sa palasyo.

Mula senado, hanggang naging pangulo,
lagi kang kasama sa mga hatian.
Parang kahapon lang, wala pa din linaw ang lahat
tila isang dula andar ng kaso sa senado.

Ngunit nung napag-usapan
bigla nalang nagkaturuan,
hanggang ngayon’y wala pa din ang resulta.

(Chorus)
At bakit ko ba pinabayaan,
mawala ng hindi inaasahan?
Sobrang nasayang lang
nawala na, wala nang natira.

Panay ang plano, ngunit wala namang aksyon,
at inabot na nang dulo ng taon.
Donation namin boy,
wag mo naman ibulsa yan.
Nakalaan para sa tulong ang mga ‘yan.

Eksakto na ang budget,
ibibigay nalang sa bayan.
Ngunit hanggang ngayon,
wala pa din nagamit.

At akin pa bang pababayan,
na maulit ang kasaysayan?
Hanggang nasayang na,
nawala na, wala nang nagawa.

(Instrumental)

Napatunganga nung bigla kang nagpakita,
pagkalipas ng masamang panahon.
Sobrang alam ko na ang iyong sasabihin,
at ako’y napailing sa pangloloko mo sa amin.

At nang ikaw ay nilapitan,
ng bayan na ngayo’y naghihirap,
Hanggang ngayon ay puro ka pa din paasa.

At bakit ko ba pinabayaan,
mawala ng hindi inaasahan?
Sobrang nasayang lang
nawala na, wala nang natira.

Akin pa bang pababayan,
na maulit ang kasaysayan?
Hanggang nasayang na,
nawala na, wala nang nagawa.

Wala kang nagawa….
Wala ‘kong nagawa….
Wala bang magagawa?…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: